Now Playing Tracks

Love Memory

"Break na tayo, Emerald. You are so childish. Hindi ko na kaya," hnd na napigilang sabi ng nobyo nyang si Bernard.
"But Bernard, hindi mo ako dapat na hiwalayan dahil lang dun," pgmamaktol nya.
"We have to end up this, para magtanda ka naman."
"Hindi na ako bata para pagsabihan mo, im 22 yrs. old now." Nagagalit na sya.
"Aalis na ako, we’re over." Walang lingung umalis ito at iniwan sya. Tumulo ang mga luha sa mata nya. Pati din ba sa buhay pag-ibig ay bigo sya? Bigo na nga sya na magkaroon ng pamilyang hindi laging nag-aaway iiwan pa sya ngayon ng mahal nya.

Umuwi sya sa bahay nila. Nakita nanaman nyang lasing ang mama nya. Nakita sya nito at inusisa.
"Saan ka galing, Emerald?"
"Nagkita lang po kami ni Bernard ma," sabi nyang nakayuko upang hindi makita nitong namumugto ang mata nya. Pero nahalata parin nito.
"Bakit namumugto ang mga mata mo?" Agad na tanong nito sa kanya.
Napunbontong-hininga sya. “Break na po kami,” muli tumulo ang mga luha sa mata nya.
Nangunot ang noo ng matandang mukha paring dalaga. “Sinabi ko na sayo, puro manloloko ang mga lalaki. Katulad ng iyong ama,” tumunga ulit ito ng alak sa baso.
Napatingin sya sa kanyang mama. “Hindi manloloko ang papa, ma. Hindi mo lang sya maintndhan,” pgtatanggol nya sa kanyang papa.
Nanlisik ang mga mata nito sa kanya. “Ipagtatanggol mo pa ang papa mo?”
Hindi na sya muli pang nagsalita. Nag paalam na sya dito na magpapahinga na sya. Maya maya narinig niya nag-aaway na naman ang mga magulang nya. Kakarating lang ng ama nya galing trabaho. Isa itong doctor kaya kumuha din sya ng kursong nursing upang makasama ang ama nya sa trabaho. Naipasa nya ang board exam kaya ngayon isa na syang registered nurse.

Sa pag-iisip nya. Nabuo ang pasyang alam nyang hindi magugustuhan ng mama at papa nya. Bukas na bukas din bago umalis ang papa nya. Sasabihin nya na ang planong matagal nya ng gustong gawin.

"What?" Gulat na gulat ang papa nya ng sinabi ang plano nya.
"Yes papa, i want to live on my own. Gusto kong maging independent," seryuso sya ng sabihin. Ramdam na ram nya ang tensyon sa pagitan nilang mag-ama kahit sa kanyang ina na tahimik lang na nakikinig.
"Hindi ka na mkkpag shopping. Hindi mo na mabibili ang mga gusto mo," sabi pa nito sa kanya.
"I dont need those, pa. Please pyagan nyo na ako," pangungumbinsi nya.
Hnd na maipinta ang mukha nito. Kunot na kunot ang mga noo at salubong ang mga kilay. Matagal bago ito nakapagsalitang muli.
"Kapag umalis ka. Wag mong aasahan na tutulungan ka namin pag naghirap ka," sabi nito kapagkuwan.
"Pinili ko to papa. Buo na ang desisyon ko," pinal na sabi nya.

Napaiyak ang mama nya sa kanyang pag-alis. Siguro naman ngayong wala na sya sa kanila hindi na sila mag-aaway ng papa, sa isip nya. Pumunta sya sa bestfriend nyang si Lenia. Gulat na gulat pa ito ng mpagbuksan sya ng pinto.
"What brought you here, sis? At may dala ka pang maleta. Naglayas ka ba sa inyo?" Agad na tanong nito sa kanya pagkapasok nya.
"Pwede ba dito muna ako tumuloy sa inyo hanggat dpa ako nakakakita ng mattuluyan?"
"Sure ikaw pa. Hindi na ako magtatanong kasi hindi mo naman ako sasagutin," sabi nito sabay tawa.

Iginaya sya ng kanyang kaibigan papuntang pool at doon sila nag usap na dalawa.
"Tulungan mo akong maghanap bukas, siz." Sabi nya dito.
Napa-clap ito. “Tama. May nakita akong apartment kahapon. Hindi sya expensive siguradong kaya yon ng budget mo.”
Napangiti sya. “Maaasahan ka talaga sis.”
Nag beautiful eyes pa ito. “Syempre, kung gusto mo. Ngayon na natin pupuntahan?”
Tumango sya. Nagbihis muna silang dalawa bago umalis. Pumasok sila sa isang parang subdivision. Ang kipot ng dinaanan nila. Ewan nga nya kung nasaulo ba nya ang papunta sa lugar kung nasaan ang apartment na sabi nito. Ng may makita sya sa kanyang pagtingin tingin sa labas. Pnahinto nya ang sasakyan sa kaibigan at bumaba sya.

Nagtataka man bumaba rin ang kaibigan nya. Tiningnan din nito ang tinitingnan nya.
"Nabasa mo ba?" Tanong nya dito.
"Nagtanong ka pa. Ano ako hindi nakakabas?"
Natawa sya. “I mean nbasa mo ba kung ano ang hnahanap nila?”
"Opo, naghahanap sila ng private nurse," nkasimangot pa ito.
"Halika, magtanong tayo. Ukol dito." Hinablot nya ang kaibigan at nag door bell sila sa bahay kung saan nkapaskil ang wanted nito.

Bumukas ang gate. Bumungad sa kanila ang hindi ktandaang babae.
"Ate Marian?" Shock pang sabi ng kaibigan nya.
"Lenia? Ikaw ba yan?" Sinigurado pa ng tinawag na ate Marian.
"Opo ate," natutuwa ng sabi ng kaibigan nya. "Tsaka ate, kaibigan ko nga pala si Emerald." Pagpapakilala ng kaibigan nya sa kanya.
"Pasok kayo," nakangiting anyaya nito sa kanila.

"Mag aapply kang maging private nurse?" Nauna pang nag react ang kaibigan nya sa sinabi nya. Napangiti na lang ang tinawag nitong ate kanina na nalaman nyang pinsan pla ng kaibigan nya.
Siniko nya ito. “Aray, hindi ko naman alam na yun pala ang iniisip mo.”
"Hindi pa ba halata kanina?" Tinaasan nya ito ng kilay.
"Sigurado ka ba, Emerald? Ang kukunin naming private nurse eh yung madadala namin sa tagaytay," sabi naman ng pinsan nito.
"Opo ate Marian," desidido nyang sagot.
"Papayagan kb ng mga magulang mo?" Tanong ulit nito. Nakikinig lang ang kaibigan nyang nkasimangot, paminsan minsan nginingitian nya ito. Napapangiti naman ang pinsan nito sa kanila.
"Maiintindihan po nila yun," sabi nya.
"Bukas na bukas aalis na tayo. Dalhin mo lahat ng mga papeles upang legal ka naming mahire na private nurse," sabi naman nito.
"Bukas na kayo aalis ate?" Tanong ng kaibigan nya.
"Kailangan naming madala sa ibang bansa ang mama, Lenia. Upang doon sya magpagaling," sabi nito. "Nagpunta lang kami dito para kumuha ng private nurse ni Arthur. Walang maiiwan na magbbantay sa kanya pag umalis na kami."

Si Arthur. Ang magiging alaga nya pagkabukas. Binigyan sya nito ng litrato upang may ideya raw sya kung anu ang mukha ng magging alaga nya. Ang gwapo ni Arthur, sa isip nya.

Habang nsa byahe knkwento ni Marian sa kanya kung anong klaseng tao ang magiging alaga nya.
"Marami ng naging nurse ang kapatid ko, pero palaging umaalis. Kaya sinasabihan na kita ngayon, Emerald. Palagi kasi silang nasusungitan ng kapatid ko." Kwento nito sa kanya.
"Bakit po masungit ang kapatid nyo, ate?" takang tanong nya. Sa gwapo pala ng alaga nya, suplado pala to.
"Nagsimula yun ng maaksidente sya at namatay ang girlfriend nya," sabi nito.
"Magkasama po ba sila?" Interesado nyang tanong.
Hindi na muling nasagot ng babae ang tanong nya. Nakarating na sila sa Villa Ramirez.

Ang lawak ng bakuran nila. Sinalubong sila ng isang matanda. Nakangiti ito sa kanila.
"Ikaw ba ang bagong nurse ng anak ko?" Agad na tanong nito ng makaupo sila sa sala.
Tumango sya. “Opo ako nga po, Mrs. Ramirez.”
"Call me mama, hija. Hindi ako sanay na tinatawag ng ganyan," nakangiti ito sa kanya.
"I dont want a nurse,"
napatingin silang dalawa sa hagdan kung saan narinig nila ang galit na boses ng lalaki habang kausap si Marian.
"Yan na pala ang anak ko," sabi ng ginang sa kanya.
"Hindi ako inutil. Im just a blind man." Narinig nila ulit na sabi nito. Lumapit ang ginang sa kinaroroonan ng magkapatid.
"Hijo, you need a nurse. Alam mo namang aalis ang mama, db? Magcecelebrate kami ng anniversary ng papa mo," sabi ng ginang dito.

Naalala nya kanina kailangan magsinungaling sila upang makaalis ang matanda na hindi nag aalala ang anak nito. Napabaling ang mukha nya sa binata. Kahit nakashade ito, kitang kita parin ang kagwapuhan nito.

Sinenyasan sya ng ginang na lumapit sya upang maipakilala sya sa binata.
"Hijo, she is Emerald. Sya ang magiging private nurse mo," pagpapakilala ng ginang sa kanya.
Hindi ito nagsalita. “Hi Arthur, sana maging mabuti tayong magkaibigan,” bingay nya ang pnka the best nyang ngiti. Kahit para syang tanga. Hindi naman nakikita nito ang effort nyang ngumiti ng maganda.

Wala itong sinabi bagkus muli itong pumasaka sa hagdan at iniwan sila. Sa totoo lang hindi na kailangan nito ng nurse, magaling na ito.

Sinabi lhat ni ate Marian ang mga dpat gawn nya. Ang oras kung kailan paiinumin ng gamot ang binata at kung ano ano pa. Nag-iisip sya panong approach ang gagawin nya sa muling paghaharap nila ng kanyang alaga.

Oras ng pag-inom nito ng gamot sa gabi. Pinuntahan nya ito sa kwarto dala ang tray kung san nakalagay ang gamot at tubig. Kumatok sya muna bago binuksan ang pinto. Nakaupo ito sa tabi ng bintana na parang may tinatanaw. Napangiti sya, parang hindi bulag ang lalaki.
"Arthur, narito na ang gamot mo. Inumin mo na," sabi nya dito.
Lumingon ito sa kanya. Kinabahan naman sya ayaw nya na tuloy maniwala na bulag ito.
"Hindi ko kailangan ng gamot," galit na sabi nito.
"Kailangan mo to para agad na gumaling ka," malambing nyang sabi.
"Sino ka ba para pag sabihan ako? Isa ka lang nurse at wala kang pakialam sa akin," sigaw nito sa kanya.
Tigagal sya. First time nyang masigawan ng isang tao, hindi pa nya ka ano ano.
"Ginagawa ko lang ang trabaho ko, Arthur." Mahinahon nyang sabi.
"Pwes, i don’t need your service. Umalis ka na dito." Galit parin ito. Mabilis pa sa alas kwatro na lumabas sya ng kwarto nito.

"Lenia, ang sungit ng pinsan mo," sumbong nya sa kanyang kaibigan ng tawagan ito.
"Pero gwapo?" Tudyo nito.
"Hindi nakakatuwa. Parang gusto ko na tuloy umalis."
"Ngayon ka pa aayaw eh nandyan ka na?"
"Ewan. First time ko kayang masigawan," parang batang sumbong nya.
"O nga pala sis, hinahanap ka ni Bernard."
"Ha? Sinabi mo ba kung nasaan ako?" Nalilito nyang tanong.
"Hindi syempre. Pero kita sa mukha nya na desididong makita ka," sabi pa nito.
Iniba nya ang usapan, kung pupwede lang sana ayaw nya ng maalala ang dating nobyo. “Sila mama at papa kamusta naman?”
"Tinatanong kung nasaan ka. Pero hindi ko rin sinabi."
"Good sis, galing mo talaga. Babalik lang ako dyan pag naging maayos na ang pamilya namin. Sana naman naisip na nila yon," malungkot nyang sabi dito.
"Don’t worry. Darating din yon sis," alo nito.

Pgkatapos nilang mag-usap ay natulog na sya. Kailangan nya ng lkas upang muling humarap sa alaga nya.

Lumapit sya sa katulong na si Lusing. Binati nya ito, naabutan nya itong nagtitimpla ng juice.
"Para kanino yan, Aling Lusing?"
"Para kay Arthur ito, ineng" sagot nito.
"Pwede po bang ako na lang po ang maghatid sa kanya nito?"
"Aba’y oo at marami pa akong gagawin. Salamat Emerald."
Nginitian nya ito. Nagpaalam naman ito at sya na raw ang bahala. Napangiti sya ulit. Dalawang araw ng hindi iniinom ni Arthur ang mga binibigay nyang gamot. Inihalo nya ang gamot nito sa juice.

"Nasan si aling Lusing at ikaw pa ang nagdala nyan?" Pasupladong tanong agad nito ng makilala ang boses nya.
Ang ganda ng bati nya ang sama naman ng salubong, sa isip nya.
"Marami kasing ginagawa si Aling Lusing kaya ako na lang ang nagdala nitong juice mo," ngumiti pa sya kahit hndi nito nakikita.
Ininom nito ang juice at biglang nasira ang mukha. “Anong juice ba to?” Iritang tanong nito.
Napatawa sya ng mahina. Lukot na lukot ang gwapong mukha nito.
"Orange juice," papilosopang sagot nya.
Kunot na kunot ang noo nito. “Alam kong orange juice to, pero iba ang lasa nya.” Galit ang boses nito.
"Baka ibang brand lang ang nabili ni manang," naiirita narin sya dito.
"Pakisabihan sya na wag na palitan ulit ang brand ng juice," matigas nitong sabi.
"Ok po sir. Sayang gwapo ka sana pero habang tumatagal nagmumukha ka ng ampalaya dahil sa lagi mong pagkunot ng noo," sabay labas nya ng kwarto nito.

Masarap ang gising nya kinabukasan. Hindi nya alam kung bakit. Pumasok sya sa kusina nakita nya si manang Lusing na nagluluto.
"Emerald, ano ba ang sinabi mo kay sir Arthur?" Tanong nito sa kanya.
"Ho? Bakit ho?" Takang tanong naman nya dito.
"Galing sya dito kanina lang at sinabihan akong wag ng magluto na may ampalaya. Nagtanong pa sya kung mukhang ampalaya na ba sya. Baka kako alam mo kung anong nangyayari sa kanya," kwento nito.
Napatawa sya at knwento ang nangyari kahapon.
"Ikaw talagang bata ka. Bakit mo sinabi yon?"
"Ang sungit kasi manang eh. Buti naman at nagka concious na sya sa pgmumukha nya," twa parin sya ng twa hbng sinsway nman sya n2.

Nababagot na si Emerald ng maisipan nitong puntahan sa kwarto ang binata pero wala yon roon.
Nasaan naman kaya yon? Sa isip nya.
Lumabas sya ng kwarto at makita itong pumasok sa isang kwarto. Para talagang hindi ito bulag. Nilapitan nya ang kwarto pero nka lock na iyon.

Hinintay nyang lumabas ang binata at ng lumabas ito nilapitan naman nya ang kwarto kung san ito pumasok. Nka lock parin. Sya namang daan ni manang Lusing tinanong nya ito.

"Naku hija, wag kang pumasok dyan." Naalarmang sabi nito.
"Bakit ho, manang?" Curious nyang tanong.
"Wag tayo dito. Ikkwento ko sayo."
Pumasok sila sa kusina at knwento nito ang tungkol sa nobya ng binata.
"Nakita ni Minerva na may ibang babae si Arthur, kaya hiniwalayan sya ni Minerva."
"Tapos ho?"
"Aalis na sa ibang bansa si Minerva. Ng sundan ito ni Arthur, dahil lasing sya ng magmaneho. Naaksidente si Arthur. Nabulag sya sa aksidenteng yon. Ng malaman iyon ng nobya nya agad naman itong umuwi. Doktor sa mata ang nobya nya kaya ngpasya ito na sya mismo ang mag opera kay Arthur, sinisi rin nito ang sarili sa nangyari sa kanya. Pero sa kasamaang palad, nagcrash ang eroplanong sinasakyan ni Minerva kaya namatay ito, kaya rin ganyan ang pagdadalamhati ni Arthur," mahaba nitong kwento.
Nakaramdam sya ng awa sa binata. “Ano po ang nasa kwarto na yon, manang?”
"Mga alaala ni Minerva ang naroon, hija. Pero mahigpit na ipinagbabawal ni Arthur na walang ibang mkakapasok don," sabi nito.

Nabuo sa isip nya ang isang plano. Ang pasukin ang kwarto ng alaala ni Minerva.

Hindi pa rin iniinom ng binata ang mga gamot na binibigay nya. Minsan naabutan nyang tulog na ito. May nakita syang gitara kaya kinuha nya ito at lumabas ng walang paalam. Bahala na, sa isip pa nya. Namimiss nya na ang pagtugtug sa gitara. Pumwesto sya sa terrace kung saan malapit sa kwarto ng binata.

Nagsimula syang tumugtog at kinanta ang Maybe Its You ni Jolina.

Sunod na tinugtog nya ang You ng carpenters.
"You are the one who makes me happy," kanta nya.
"Sinong nagsabi sayo na gamitin ang gitara ni Minerva?" Narinig nya ang galit na galit na boses nito sa kanyang likuran. Bigla nanginig sya ng hindi nya mawari.
"Eh kasi… Eh kasi wala ako magawa. Hniram ko na lang to," pgpapaliwanag pa nya pero bakas ang takot sa mga tinig nya.
"Akin na ang gitara," sabi pa nito. Binigay nya dito ang gitara.
"I’m sorry," tanging nasabi nya. Pero walang imik na muli itong tumalikod at pumasok sa kwarto nito.

Nagising si Emerald sa malakas na kidlat. Nakaramdam sya ng takot. Sunod sunod ang kidlat. Feeling nya ang lapit lapit non at parang matatamaan sya. Lumabas sya ng kwarto at pumasok sa kwarto ng binata. Naririnig nyang umuungol ito.
"Arthur?" tawag nya dito.
Pabaling-baling ito sa higaan. Agad nya itong nilapitan.
"Arthur, anong nangyayari sayo?" Nag aalalang tanong nya nwala ang takot na nramdaman nya kanina lang. Sinapo nya ang noo nito.
"Oh my ang taas ng lagnat mo," hindi malaman ni Emerald ang gagawin. Balisa na sya. Nanginginig ang binata, nakadagdag pa ang malakas na ulan para lamigin ito ng husto. Bigla nya itong niyakap sa dahilang wala na syang ibang maisip na gawin. Maya maya naging mahinahon ang binata, paungol ungol ng mahina. Hanggang sa mahimbing na ulit na nakatulog. Nakatulog rin sya ng hindi nya namamalayan.

Naalimpungatan ang dalaga dahil sa sikat ng araw. Nag unat sya ng biglang may naalaala. Nasa kwarto nga pala sya ng binata at dito na sya nakatulog. Hinanap nya ito pero wala na ito sa kama. Lumabas sya ng kwarto at hinanap ito. Nakita nya si manang Lusing na nagdidilig ng halaman.
"Manang, nasaan si Arthur?" tanong nya dito.
"Maaga syang umalis, hija. Ipinagbilin pa nga nya na pakainin kta ng almusal," nakangiti pa ito sa kanya.
Nagtaka sya. “Saan raw po sya pumunta?”
"Kasama nya yung kaibigan nyang si Bobby, hija. Pupunta raw sila don sa karatig bayan."
"I see."

Ito na yong pagkakataon para masilip kung ano ang nasa loob ng alaala ni Minerva.

Nakuha ni Emerald ang susi sa pantalon na suot ng binata nung makita nya itong pumasok sa kwarto na iyon. Kinakabahan sya habang pinapasok ang susi sa key hole. Hanggang sa mag click yun, ngsasabing na unlock na ang pinto.

Namangha sya pagpasok sa kwarto. Naroroon ang mga gamit pang babae. Mga stuff toys at ano pa. May falls pa sa gitna kung saan mi isang jar naman sa gitna ng falls na ipinasok sa isang glass box. Ang ganda ganda parang paraiso sa tingin nya. Npadako ang tingin nya sa mga video tape. Kumuha sya ng isa at pumunta sya sa study room.

Doon ipinalabas nya ang video tape na kinuha nya. Nakita nya mismo kung gaano kamahal ni Arthur at Minerva ang isa’t isa. Video pala to nong magkasama pa sila. Hindi rin namalayan ni Emerald na nakatulog sya sa panonood.

"Nasaan si Emerald, manang?" tanong ng binata sa matanda.
"Aba’y ewan ko po. Nakita ko lang yun kanina na pumasok ng kwarto nya eh," sagot nito.
Hinanap nila sa buong bahay ang dalaga hanggang sa mapadako ang binata sa study room. Malamig sa loob kaya halatang may tao. Pinaandar ang aircon. Binuksan nya ang pinto. Nakita nya ang dalagang natutulog sa sofa. Napangiti sya. Nilapitan nya ito at pinangko.

Masakit ang leeg ng magising ang dalaga. “Aray ang sakit ng leeg ko,” reklamo nya.
Nagulat pa sya ng nasa kwarto sya. “Bakit ako narito?” tanong pa nya sa sarili nya. Inisip nyang mabuti alam nyang nasa study room sya eh. Dahil sa sumakit ang ulo nya kakaisip ay natulog sya uli. Umaga na ng magising sya. Sa araw na ito gagawin nya ang mga ginagawa ni Minerva. Upang magkalapit sila ng binata at umaasang magustuhan rin sya.

Magustuhan din ako? Umiibig na ba ako sa lalaking yon? Tanong nya sa isip. Nangangarap ka ata na magustuhan nya, Emerald, sabi pa ng isang isip nya. Hooo alam ko. Nagbbakasali lang naman, sabi pa ng isa. Dahil sa litong lito na ang isip nya nagpagulong gulong sya sa kama.

Nag-bake sya ng carrot cake. Kasi ayon sa nakita nya sa video paborito ito ng binata. Amoy na amoy ang bango ng bini-bake nya.
"Carrot cake ba yan?" anang tinig sa likuran nya.
Napatalon pa sya sa gulat. “Anak ng butiki! Wag nga kayong manggulat sir Arthur,” nakasimangot nyang sabi.
"Ang tanong ko sagutin mo."
"Oo, carrot cake yan. Breakfast mo ngayong umaga na ito."
"Talaga?" nangislap ang mga mata nito.
Napangiti sya. “Oo, breakfast mo yan. Maghintay ka muna ng kunti maluluto na to.”

Lihim syang natuwa. Masaya ito habang ngbbreakfast. Sinamahan pa sya nitong hintaying mabake ang cake.
"Ikaw hindi ka ba kakain?" tanong nito sa kanya.
Umiling sya at ngumiti. “Para sayo ko talaga binake yan eh!”
Tumango tango ito at kumain ulit. Npakagana nito sa pagkain. Talaga nga palang paborito nito ang carrot cake. Kung umasta naman ito para talagang hindi bulag, kunting kunti na lang ayaw nya na talagang maniwalang bulag ito.

"Manang bulag ba talaga si Arthur?" hndi nya napigilang tanong sa matanda.
Natawa ito sa pagtatanong nya. “Minsan nakakakita sya. Pero ang minsan madalang pa sa patak ng ulan.”
"Db pag hnd agad sya naoperahan posibleng mabulag na talaga sya?" Nag aalalang tanong nya.
"Ang sabi ng doktor hija sabi pa ni mam Marian, kailangan na raw mapalitan ang mga mata nya," sabi ulit nito.
Tatango tango pa sya. Ng may marinig syang matinis na tili.

"Emerald….." tili ng kaibigan nyang si Liane.
Npanganga sya. “Oh my god. Ikaw ba yan sis?” hnd mkapaniwalang sambit nya.
"Yes," niyakap sya nito ng mahigpit.
"What brought you here, sis?"
"Bruha nagtanong ka pa. Eh hindi ka na nga tumatawag sa kin eh. Nag alala kaya ako noh," ngtatampong sabi nito.
"I miss you, sis." Nyakap nya ito ulit.
"Miss na miss din kita," yumakap din ito sa kanya.
"Tama na nga yan baka bumaha pa ng luha dito," sabi pa nito sabay tawa.
"Umiiyak kayo?" sabay silang dalawa na napalingon sa boses na yon. Si Arthur kasama ang kaibigan nitong si Bobby ayon pa kay manang. Ngayon pa lang nya ito nakita.

"Wala, nagdadrama lang kami ng kaibigan ko." Paliwang ng kaibigan nya dito. Agad naman itong ngumiti. Namamalikmata ba sya? Ngumingiti na ito?
"Tamang tama ang dating mo pinsan. Maliligo tayo sa ilog ngayon," sabi nito sa kaibigan nya.
"Good, i like it."
"Emerald wag mong kalimutan na magbaon mamaya ng carrot cake ha?" Sabi nito sa kanya.
Ngumiti sya. “Oo naman ikaw pa”

Natigil lang sila sa pag uusap ng sabihin ni manang Lusing na kakain na sila.
"Wow ang sarap naman ng kaldereta," puri ni Bobby habang kumakain.
"Si Emerald ang nagluto nyan, Bobby." Sabi naman ni manang.
"Wow naman talaga itong nurse mo, tol. Maganda na ang sarap pang magluto," puri ni Bobby sa kanya.
"Huwag mo ngang binobola si Emerald," saway ng binata dito.
"Oo nga naman, masapak pa kita dyan." Narinig nya sabi ni Liane.
"Sus kung alam ko lang, nagseselos ka lang," kantyaw ni Bobby sa kaibigan nya.
Nauwi sila sa kulitan sa pasimuno ng dalawa.

Nasa ilog na sila. Naliligo na sina Bobby at Liane habang sila nakaupo parin sa gilid.
"Hindi ka ba maliligo, Emerald?"
Nagulat sya sa tanong nito. “Mamaya na,” tanging sagot nya.
Mas lalo syang nagulat ng lumusong ito.
"Halika na Emerald," yaya nito sa kanya.
Naengganyo narin sya kaya lumusong narin sya. “Oh my,” hnd nya akalain nsa malalim na banda sya lumusong. Nakita ng kaibigan nya na nalulunod sya.
"Si Emerald nalulunod," sigaw nito.
Mabilis ang mga nangyari nasagip sya ni Arthur sa pamamagitan ng tulong ng mga kaibigan sa pagsabi ng direksyon.

Sinisi ni Arthur ang sarili ng umuwi na sila. Kahit na nung nsa sasakyan pa sila. Hanggang sa makauwi na sila sa bahay.
"Emerald, im sorry."
"Hindi mo kasalanan ang nangyari Arthur," sabi nya rito.
"Kung hindi ako mag aya na maligo tayo sa ilog hindi mangyayari sayo yun."
"Arthur, wag mong sisihin ang sarili mo. Mabuti pa magpahinga kana," wala parin sa sariling sabi nya. Muntik na talaga syang natuluyan kanina. Buti na lang tinulungan sya nito. Wala na sana sya sa mundong ibabaw. Pumayag itong magpahinga na. Naiwan nman syang malalim na ngiisip.

Napaiyak sya pagktapos nyang makausap ang papa nya sa phone. Sinabi nitong na stroke ang mama nya kahapon lang. Pumasok sya sa kwarto ni Arthur dala ang gamot nito.
"Inumin mo na tong gamot mu," sabi nya dito.
"Aalis ka na ba?"
Na shock sya sa tanong nito. “Bakit mo natanong yan?”
"Narinig ko ang usapan nyo ng ama mo sa phone kanina."
"Na stroke ang mama ko. Kaya sana mamaya makaalis na ako," malungkot nyang sabi.
"Makakaalis ka mamaya, Emerald. Hindi mo naman ako kargo eh!" tanging sabi nito.
"Sigurado ka ba?" hnd mkapaniwalang tanong nya.
Tumango ito. Hindi na ito katulad ng dati na masungit. Simula nung gayahin nya si Minerva. Ang laki ng pinagbago nito sa pangangatawan lalo na sa ugali.

Naayos na lahat ng gamit nya para umalis. Ipinasok nya na sa sasakyan ng kaibigan. Sabay na silang luluwas ng kaibigan ksama si Bobby.
"Si Arthur, nasan po?" tanong nya kay manang Lusing.
"Nasa terrace sya, hija." sagot nito.

Pinuntahan nya ito sa terrace. Tumutugtug ito ng gitara habang kumakanta. Natigil ito ng may maramdamang may tao.
"Emerald?"
Nangilid ang mga luha nya. Sa kunting panahon ng pagsasama nila. Natutuhan nyang mahalin ang binata. “Hmmmm?”
"Ikaw ba yan?" paninigurado nito.
"Oo," tanging sagot nya. Pigil ang mapaiyak.
"Maaari ba kitang mayakap bago ka umalis?"
Hindi nya na ito sinagot at niyakap nya ang binata. Mahigpit na yakap ang tugon nito sa kanya.
"Wag mo akong kakalimutan ha?" sabi nitong parang batang iniwan ng ina.
"Bbisatahin kta pag naging maaus na ang mama," kumalas na sya sa pagkakayakap dito.
Alam nya sa sarili nya na naging masaya sya sa kunting panahong na kasama ang binata.

"Kamusta ang mama, pa?" tanong agad nya ng makapasok sa private room ng mama nya sa hospital.
"Okay na ngayon ang mama mo, hija." Sabi nitong nakatingin sa mama nya.
Nabawasan ang labis nyang pag aalala sa ina. Nalaman din nyang nagkabati na pala ang mga magulang nya.

Walong buwan ang lumipas. Naging nurse si Emerald sa hospital na pinagtatrabahuan ng papa nya. Pauwi na sya ng may makita syang rebulto ng lalaki sa madilim na sulok ng pasilyo. Nakatingin ito sa kanya ng akmang lalapitan nya na ito.
"Emerald," twag ng nasa likuran nya.
Napalingon sya. Nakita nya si Bernard na nakangiti at may dalang american roses. Mga ilang buwan na rin sya nakakatanggap ng mga american roses ng unknown sender nya. Si Bernard ba yun? Ngayon nya rin ito muling nakita.
"Bakit ka narito?" tanong nya dito.
"Para sayo," abot nito sa pumpon ng rosas.
Tinanggap nya ito. “Salamat,” inayos nya na ang mga gamit upang makauwi na.
"Ihahatid na kita sa inyo, Emerald."
Pumayag sya sa imbitasyon nitong ihatid sya. Hindi nya alam pinapanood sila ng rebultong nakita nya kanina.

Pag-uwi sa bahay wala na ang pangamba ng may makita sya ulit na isang american rose sa gate ng apartment nya. Akala nya kasi noon na may stalker sya. Tinuloy nya parin ang plano na mamuhay na mag-isa.
"Sayo ba to galing, Bernard?" tanong nya dito ng kunin nya ang rosas.
Umiling ito. “Hindi sa akin yan. Baka sa isa mo pang manliligaw,” sagot nito.
Umiling-iling sya. Kung gayon sino ang laging nagpapadala sa akin?
"Alis na ako, Emerald. Sana bukas maihatid kita ulit," nakangiting sabi nito sa kanya.
Tumango-tango sya. Pagkatapos makaalis ni Bernard binuksan nya na ang kanyang gate.
"Sya yung dati mong boyfriend?" tanong ng taong nasa likuran nya. Napatigil sya kilala nya ang boses na yun. Boses ng taong minahal nya sa kunting panahon lamang. Ang taong kay tagal nyang inasam na muling makita. Makasama at maipakita naman dito ang totoong sya na hindi lamang sya nagustuhan dahil lang sa ginaya nya ang dating nobya nito. Si Arthur Ramirez. Dahan dahan syang lumingon. Nakita nya ang mataman nitong pagtitig sa kanya. How i miss this man so much, nausal ng isip nya. Hindi nya ito binisita gaya ng sabi nya nung umalis sya. Nais nya na itong kalimutan dahil sa isiping kaya lang ito naging mabait sa kanya at nagustuhan sya dhl kay Minerva.

Maya-maya nakita nya ang paglungkot ng mga mata nito. Napakalaki na talaga ng pinagbago ng binata. Malaki na ang pangangatawan at mukhang…
"Totoo pala talaga ang sabi ni Bobby ang ganda mo, Emerald."
Tama ba ang narinig nya? Nakikita na ba sya nito? Nakakakita na ba ito? Nangilid ang mga luha sa mata nya.
"Hindi mo ako binisita," ngtatampong sabi nito.
"Ng tumawag ako sa inyo ang sabi umalis ka raw," sagot naman nyang titig na titig sa binata.
"Pumunta kami ng ibang bansa, para don magpaopera ng mata ko," kwento nito.
Totoo pala talagang nakakakita na ito.
"Doon tayo. May ipapakita ako sayo," isinama sya nito kung saan nakaparada ang kotse nito.

Inilabas nito ang isang box. Box na kinuha nya noon sa alaala ni Minerva kung saan naroon ang mga sulat nito sa dating nobya. Binigay nito iyon sa kanya, kinabahan sya. Pagagalitan ba sya nito dahil sa pinakialaman nya ang mga gamit ni Minerva?
"Buksan mo," nakangiti ng sabi nito.
Binuksan nya ang box. Mga bagong stationary note na ang nakikita nya hindi na yong mga luma. Tiningnan nya itong puno ng pagtataka.
"Habang nagpapagaling ako sa america sinulat ko yan para sayo," pgsisimula nito.
Hindi talaga sya makapaniwala. Ginawan sya ng love letter ni Arthur? Mahal ba sya nito?
"Alam ko, nagkamali ako dati. Napansin lang kita dahil sa may pagkapareho kayo ni Minerva. Pero hindi ko naisip ang pagiging ikaw na hindi iniisip si Minerva. Hindi ko alam ginagamit ko lang ang alaala nya upang magustuhan ka," sabi ulit nito.
Tumulo na ang luha nya. Ayaw nyang isiping nananaginip lang sya.
"You are now my love memory, Emerald. Mahal kita. I love you, kung alam mo lang gaano na kita ka-miss," pagpapatuloy nito.
Wala syang salitang sinabi. Niyakap nya ito ng mahigpit. Gumanti din ito ng mahigpit na yakap sa kanya.
"Did you miss me too?" tanong nito kpagkuwan. Kumalas sya at tumango.
"Walang araw na hindi kita na miss, Arthur."
Napaluha na talaga sya shocked parin sya sa lahat ng mga nangyayari. Dumating ang matagal nya ng inaasam na mangyayari.

"Mahal mo ba ako?"
"Oo, mahal na mahal kita." Sabi nyang sabay tango pa.
"Kahit pinagsungitan kita?" panigurado nito.
"Walang pinipili ang pagmamahal, Arthur. Isa pang dahilan dahil gwapo ka," biro pa nya.
Natawa ito at natawa narin sya. Dahan dahan lumalapit ang mukha nito sa mukha nya. He was going to kiss me, sa isip nya. Awtomatikong pumikit ang mga mata. Maya maya lumapat ang mga labi nito sa labi. He kissed her passionately. Matagal silang naghalikan alintana ang mga taong nanonood na sa kanila.

"Hoy, sa bahay nyo na ituloy yan" nakatawang sabi ni Bobby sa kanila.
Agad silang naghiwalay, niyakap sya ng binata sa bewang.
"Panira ka talaga, Bobby. Halikan mo rin si Liane," tudyo ng binata dito.
Doon rin nalaman ni Emerald na nagkaroon pala ng relasyon dati si Bobby at ang kaibigan nya noong lumuwas sila kasama ito. Kaya pala laging nag aasaran pero muling nagkatuluyan.
"Naron na ang tita at tito, Arthur. Hinahanap na kayo," sabi naman ni Liane.
"Tara na honey," yaya nito sa kanya.
"Saan?" takang tanong nya.
"Sa bahay mo. Naroon narin ang magulang mo. Mamamanhikan na ako sa inyo," nakangiti nitong sabi.

Nagpunta rin sila sa bahay. Naroon nga ang mama at papa nya pati ang mga magulang nito. Agad pinag usapan ang magiging kasal nila. Napakasya ng araw na yon para sa kanya. Ayos na ang pamilya nya at nakuha naman ang pag-ibig ng taong minamahal nya ng lihim. Naikasal sila agad sa gusto narin nilang dalawa na maikasal agad.


The End ♥


Thank you for reading (:

We make Tumblr themes